Sabado, Abril 6, 2013

1.
Ngayon ko lang napag-isip-isip na enjoy pala magbasa ng mga libro na gawa ng mga pinoy. Noong Miyekules, ipinahiram ni Kuya Louie sakin 'yung libro na "Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling ako" ni Eros Atalia. Natawa ako sa laman ng libro. Sa mga kwento, mga totoong kwento ng mga pinoy dito sa Pilipinas. Mga kalokohan ng mga politiko, madami pang kalokohan ng mga politiko at mga ugali ng mga pinoy. Hindi ko pa natatapos ang pagbabasa sa libro sa katunayan pero plano kong tapusin ang pagbabasa nito bukas kapag hindi nanggulo 'yung nanay at kapatid ko sa akin. Sana.

2.
Olrayts! Wala akong bagsak ngayong semester na ito. Sa susunod na linggo mag-a-apply na ko dun sa kursunada kong scholarship. Hindi ako mangangako na magseseryoso na ako sa susunod na taon, ang maisisiguro ko lang e hindi ko na gagawin 'yung mga mali ko sa nagdaang semester. Yun lang.

3.

Pagkatapos ng aming meeting sa pub, napagpasyahan namin na mag-aliw-aliw na muna. Tutal mag-e-end of school year na at ilang buwan din kaming hindi magkikita. Sana maulit pa to.


 Wala akong na-chip in dito and I'm proud of it.
 All smiles. :)
 Wacky.
 Wacky pt.2
Yummy!

Sabado, Marso 30, 2013

Dahil nai-post ito kanina ng ate ko sa pub namin sa USEP na si Ate Glorybelle, napag-isip-isip kong gagawan ko ng translation 'yung ipinost nyang tungkol sa zodiac signs at kung anong klase kang tao....dahil wala na naman akong magawa sa bahay. Sabi dun sa post, 97% daw na totoo 'yun. Sabi ko. edi OK. Game! 

FEBRUARY=THUG
Abstract thoughts. Loves reality and abstract. Intelligent and clever.
Changing personality. Attractive. sexiest out of everyone.A real speed demon. Has more than one best friend. Temperamental. Quiet, shy and humble. Honest and loyal. Determined to reach goals. Loves freedom. Rebellious when restricted. Loves aggressiveness. Too sensitive and easily hurt. Gets angry really easily but does not show it. Dislikes unnecessary things. Loves making friends but rarely shows it. Daring and stubborn. Ambitious. Realizing dreams and hopes. Sharp. Loves entertainment and leisure. Romantic on the inside not outside. Superstitious and ludicrous. Spendthrift. Tries to learn to show emotions.

Eto 'yung lumabas salamat sa Google Translate.


Pebrero = astig
Abstract saloobin. Nagmamahal ang katotohanan at abstract. Intelligent at matalino.
Pagbabago ng pagkatao. Kaakit-akit. sexiest ng everyone.A real bilis demonyo. May higit sa isang matalik na kaibigan. Magagalitin. Tahimik, mahiya at mapagpakumbaba. Matapat at tapat. Natutukoy upang maabot ang mga layunin. Nagmamahal sa kalayaan. Suwail kapag pinaghihigpitan. Nagmamahal handulong. Masyadong sensitive at masasaktan. Ay nakakakuha ng galit talagang madali ngunit hindi ipakita ito. Gusto hindi kailangang mga bagay. Nagmamahal sa paggawa ng mga kaibigan ngunit bihira nagpapakita ito. Matapang at matigas ang ulo. Mapaghangad. Napagtatanto ng mga pangarap at pag-asa. Biglang. Nagmamahal sa entertainment at paglilibang. Romantic sa loob hindi sa labas. Mapamahiin at nakakatawa. Maaksaya. Sinusubukan upang matuto upang ipakita ang mga emosyon.

Miyerkules, Marso 27, 2013



Wala lang. Hindi ako makasulat ng matino ako ngayon. Ang dami ng iniisip ko ngayon.

Linggo, Marso 24, 2013

1. Noong isang araw, napagpasyahan kong sumakay papuntang Claveria/Roxas Avenue na hindi ko naman ginagawa dati. Madalas, sumasakay lang ako kapag umuulan ng malakas o kapag tinatamad akong maglakad o kapag may extra akong pera. Nakasabay kong umuwi sina Jessa at Jen pagkatapos naming gumawa ng research paper na super late na naming naipasa. Sabi niya sakin na sumabay na ako sa kanila kasi malalim na daw masyado ang gabi. Sabi ko, sige. Ano sasakyan natin? Sabi niya Route 4 daw sakyan namin kasi papunta daw din 'yun sa kanto ng Roxas Avenue na kung saan ako sumasakay ng dyip na may rutang Toril o Talomo. Ayun, sumakay kami, Ayos din kasi nakalibot kami sa parte ng siyudad na hindi ko pa nakikita at gustong puntahan. Noong sumunod na araw, inulit ng inulit ko ang trip na 'yun kasi ayos siya. Para akong batang sumasakay ng roller coaster pero dyip ang gamit.

2. Noong gumawa kami ng lay out ni kuya Jonel para sa bulletin board, nabanggit nya sa akin na bakit daw ang daming nakakakilala sa akin. Napansin ko lang yun 'nung natanong niya ito sa akin. Sinabi ko sa kanya na dahil siguro ito sa mga organizations na sinalihan at sa kurso ko. Madami akong sinalihan na orgs sa pamantasan, kasi enjoy kapag madami kang ginagawa aside sa pagpokus sa academics. Sa kurso kasi minsan kaming name-merge sa ibang section (o kurso) kasi konti lang kami sa section.OK lang din kasi para sa akin advantage 'yung madami kang kakilala. Madami kang malalapitan kapag meron kang problema o nagkaaberya ka tapos sila 'yung sa tingin mo makakatulong sayo.

3. Pinapagawa kami ng essay na ipapasa mamaya sa pub. Reflection daw, experiences at kung anu-ano daw ang tema na related sa pub. Kami na daw bahala. Ewan.

Sabado, Marso 23, 2013


1. Kanina, hindi kami nakapasa ng research paper namin sa Filipino dahil ang labo ng mga kasama ko. Nakakabadtrip minsan, nakakayamot pero may halong awa. Alam ko na dati pa, noong first semester na ganito talaga ang ugali nila. Parang walang pakialam kung lumagpak man sila sa isang subject kahit na mga iskorlar sila. Ang masama, nadadamay yung ibang kasama ko na matitino. Ewan, ayaw ko namang mag-conclude na ganito talaga ang totoong ugali nila kahit pinapamukha na nila ito sa akin. Finals na ngayon, at matatapos na lang tong  school year e di pa rin nila binabago tong ugali nilang ito. Nakakayamot, nakakainis, nakakabadtrip.
2.  Ngayon, nagbabasa ako ng libro ni Bob Ong na MACARTHUR dahil ito ang paksa ng aming pag-aaral. Maganda ang kwento. Tulad ng mga naunang mga libro niya, mahusay nyang nailapat sa papel ang totoong kwento ng bawat pilipino. Dito na lang muna. Hindi ko pa natatapos basahin ang libro.
 3. Habang tinatayp ko ito, nasa kaliwa ko si Nhonie na mahimbing na natutulog. Si Jessa, na halatang napilitan na sumama dahil sa peer pressure,nakahiga sa upuan sa sala. Si Aljon naman, na alam naming walang maitutulong kapag sinama namin e nanonood ng bago niyang paboritong anime na Eyeshield 21 sa dala ni Jessa na portable DVD player. Habang si Alfie naman, kasama ang syota niyang si Shaira e pumasok sa isang kwarto para magpahinga. Pagkatapos kong maitayp ito, ipagpapatuloy kong basahin 'yung libro ni Bob Ong ng sa gayun makagawa na ko ng buod sa pag-aaral.
4. Busy ako sa linggong ito. Una, kailangan naming matapos ng mga kasamahan ko sa Literature 'yung research paper sa Filipino na deadline mamaya. Pangalawa, kailangan naming matapos 'yung lay out at mai-update ang bulletin ng pub namin sa pamantasan. Ang nakakainis lang dun e kami lang dalawa ni Kuya Jonel ang gumagawa lahat ng trabaho.  Ayaw kong pilitin 'yung ibang mga kasama ko sa pub na busy din sa ibang bagay. Gusto ko silang alukin na tumulong sa amin dahil hindi namin kaya 'yun ng kaming dalawa, at kung kaya man, aabutin ng mahabang oras para matapos namin 'yun. Deadline na nito dapat ngayon, pero dahil kulang 'yung tao sa paggawa, baka sa Huwebes na namin ito matapos. Pangatlo, kailangan ko pang magsumite ng reports sa CCO para sa organization namin. Mga events na inorganisa namin sa taon na ito, financial statements at iba pa. Pang-apat at panghuli, kinakailangan ko ng magpasign ng clearance namin na kailangan para ma clear na  lahat ng obligasyon namin sa paaralan. Mahirap. Nakakapanghina ng loob minsan kapag sumasagi ito sa aking isipan pero dapat tanggapin. Naalala ko parati 'yung sinasabi ni Kuya Jonel sa akin na tong mga problema ko ngayon e makakatulong para maging mabuting tao ako ngayon at sa mga susunod na taon. 

Martes, Marso 19, 2013

1. Sa wakas, after 48 years natapos din 'yung pinapagawa ng kasama ko sa akin na parte ng kanilang project para sa finals. Nabawasan na rin 'yung pasanin ko. Mamaya, sisimulan ko ng gawin 'yung mga cartoons na utang ko sa mga kasama ko.

2.  Ubo* ubo* ubo*.....

Lunes, Marso 18, 2013

1. Kanina, nanood ako ng play ng 4th year AB-Language kasi wala na kong klase. Les Miserables ata 'yung title ng kanilang play. Maganda siya. Meroong mga eksena na may sayawan, sigawan, balibagan, at tilian, kasi nga play siya. Ano ka ba. Masaya siya, kasi nakikita kong nag-eenjoy 'yung mga nanonood, kahit na sa covered court lang nila ginawa 'yung play. Astig parin kasi pinaghandaan. Nakita ko sila noong mga panahon na meron kaming convention. Busy na busy sila sa pagpintura at pagpanday ng mga mga gagamitin nilang props sa play. Napapaisip ako kung papalarin sa mga susunod na taon, kahit literature ang kurso ko malamang gagawin din namin 'yan. Sasayaw tapos magsusuot ng mga makalumang mga props depende sa oras at kwento ng play, tapos pag-i-speech sa harap ng maraming tao tulad ng ginawa nila kanina tapos pagtatawanan ng mga kakilala mo kasi hindi bagay sayo ang speech na minemorya  mo o ang tauhan sa play na ginampanan mo. Gagampanan at ipagpapatuloy mo parin kasi kailangan, dahil  nanonood ang guro ninyo. Nakakabadtrip. Ayaw ko pa namang umarte dahil wala akong talent diyan. Hindi applicable 'yung 'it takes practice', pwede pero ayaw ko talaga. Pwede naman e pero magmumukha akong barok na inilublob sa drum ng tubig tapos pinakanta ng Careless Whisper. Shet. Bakit ko ba pinoproblema to? Ang labo.

2. Hanggang ngayon, hindi ko pa natatapos 'yung pinapagawa ng kasama ko na project. Konting tinta na lang ang kulang at retouches at tapos na 'yun at makakapagpahinga na ko.

3. Binuksan ko na ulit 'yung isang account ko sa Facebook. 'Yung pang-aktibistang account ko. Matagal-tagal ko na ring hindi 'yun binubuksan at inaupdate. Hindi na rin ako nakakapag-post ng mga editorial cartoons na madalas kong ginagawa tuwing nagla-log in ako dati. Busy ako sa taon na ito hindi tulad nung dati.

Napangiti ako kanina nung kinamusta ako ng mga katropa kong magaling gumuhit dun sa QC. Nagkamustahan kami, bagay na matagal ko nang hindi nagagawa dahil busy ako. Sabi ko, magiging aktib ako ulit sa group na to, alam ko na kung magiging aktib ako dito, sigurado akong may mapapala ako. Basta. Time will tell. Hehe.